Home > cory aquino > Demokrasya: Isang tula handog para kina Ninoy at Cory Aquino

Demokrasya: Isang tula handog para kina Ninoy at Cory Aquino

Demokrasya
Prof. Dan Rivero

Ang bayang naging tulog, bibig naging kimi;
Ay namula’t, nagising at nagsalitang muli;
Sa paglisan ng isang taong minsa’y tumindig;
Laban sa rehimeng sa baya’y nagpatahimik;
Mga karapatang sagrado matagal na siniil.

Kanyang asawa pinatay na walang laban;
Bitbit lamang ang hangad para sa kalayaan;
Para sa sambayanang uhaw sa kapayapaan;
Tungo sa tunay na kaunlaran nitong ating bayan;
Sa ilalim ng katotohanan, pag-ibig at katarungan.

Subali’t hindi naduwag itong abang biyuda;
Sa halip ay tumayo at humarap sa masa;
Baya’y nagkaisa’t tumalima sa panawagan nya
Na labanan ang pagkamakasarili at pagpapasasa;
Ng isang diktador, pamilya nya’t oligarkiya.

Kalayaa’y natamo dalawang dekada ng lumipas;
Nang ang diktador at alipores niya’y umalpas;
Taumbaya’y nagsimula sa isang panibagong bukas
Sa gabay ng lider na namuno sa pag-aaklas;
Ang demokrasya’y nakamtan muli sa wakas.

Nguni’t sa paglipas ng taon, tila may nagbago;
Ang kalayaan at demokrasya na ating natamo—
Ay nabale-wala at ngayo’y inaabuso;
Ng mismong mamamayan lalo na sa liderato;
Masasayang na lang ba ang ipinaglaban dito?

Para bagang isang bulkan ang bayan kong sinilangan;
Madalas ang hidwaan, paminsa’y nagpuputukan;
Mga lider ng pamahalaan gayun din ang mamamayan;
Kailan ba matatapos yari itong kaguluhan;
At magigising ang bayan sa kawalang paki-alam?

Ganito ba ang mukha ng demokrasya sa ‘ting bansa?
Na ang mga lider ay walang malasaki’t sa kapwa?
Na sa tuwing halalan lang sila naalala?
Kaawa-awa naman ang mga maralita’t dukha;
Sa yaman at posisyon ang ilan ay nagpapasasa.

Tayo ng kumilos, baguhin ang pananaw;
Ating tahakin ang landas, gabay ng bagong araw;
May pag-asa pa ang bayan, liwanag ay tanaw;
Itaguyod, ipaglaban kalayaang ating sigaw;
Demokrasya ng bayan huwag muling pumanaw.

About these ads
Categories: cory aquino Tags: ,
  1. August 25, 2009 at 11:55 am

    ang galing po ng pag-kakagawa ninyo ng inyong tula.. isa pong pag-pupugay ang pagiging tunay ninyong Pilipino..:)..

    • Dan Rivero
      August 25, 2009 at 1:46 pm

      Mabuhay ka, isa ka rin Pilipino Marycon! Maraming Salamat

  2. October 5, 2009 at 10:37 pm

    knang taga levitus section sa east visayan ki atan… ahahha by:Rainer sec:leviticus. go leviticus keep up the bad work

  3. October 5, 2009 at 10:40 pm

    mga kiatan leviticus section grabe….by:rainer delda

  4. October 12, 2009 at 12:28 am

    ..tama may tama ka sa iyong pag kakalikha ng tula 2lad nito…MABIHAY MGA PILIPINO!!!xD

  5. angelo
    October 24, 2009 at 10:29 am

    yahoo ang ganda yahoo =D

  6. October 27, 2009 at 11:15 am

    vote in the poll for the presidentiable you want to win in the 2010 election here: http://2010presidentiables.wordpress.com/2009/10/25/2010-presidentiables-poll-cast-your-vote/

    vote in this poll – the 3 presidentiables you will not vote for and must not win the 2010 presidential election. click here: http://wawam.wordpress.com/2009/10/27/poll-the-presidentiables-we-must-not-vote-and-those-who-must-not-win-the-election/

  7. jarish anne
    January 15, 2010 at 6:23 am

    Ang gada ng tula mo po

  8. ericson
    March 30, 2010 at 8:35 pm

    mahusay, Tulad ng mga buhol sa lubid na gumagabay sa dilim, nais kong gamitin ang mga salitang malalim, malabo, masalimuot, mahirap, upang matunton ang madulas na landas ng pagsusuri sa isang uri ng pagsusuri .. haha wala lang

  9. ericson
    March 30, 2010 at 8:36 pm

    sana si noy noy ang manalo bilang presidente..

  10. JOana christine D. Huraño
    September 29, 2010 at 5:25 pm

    Ang galing naman ng pagkagawa!
    Buti may gumawa niyan dahil yan ang assignment koh! :)

  11. August 30, 2011 at 4:42 pm

    wala po bang tula para sa rh bill?

  12. lovely
    December 3, 2011 at 8:47 pm

    sana may tula para sa demokrasya kasi assignment ko eh!

  13. jhing
    June 25, 2012 at 10:25 pm

    sana naman magkaroon pa ng maraming mmanunula

  14. Jelai Patal
    August 4, 2012 at 6:15 pm

    NAgpupugay ako sa iyo Dan Rivera. Talagang iba na ang mga tao ngaun. NAwa sa tulang ito ay mapukaw ang mga damdamin ng mga tao… MABUHAY KA DAN RIVERA!!! KAHANGA HANGA KA.

  15. stephen gueco
    February 20, 2013 at 8:18 pm

    like!

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 2,197 other followers

%d bloggers like this: