Ang Katipunan, Ang Halalan at si Nicanor “Nick” Perlas
Gumagawa ako ng proyekto para sa mga estudyante ng mapadako ako sa isang website na naglalaman ng isang konkretong paglalarawan sa Katipunan, KKK o sa Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Nagulat ako sapagkat mukhang malaki ang pagkakahawig nito sa gustong gawin ng isang alternatibong kandidato. Hindi ko hinanap ang artikulong ito pero ito ay nagsilbing paalala sa akin ng mga darating pang hamon para sa adhikaing sinamahan ko at ng iba pa.
May tatlong layunin ang Katipunan ayon sa arikulo mula sa Filipiniana.net.
“It had three principal aims: political, moral and civic. The political aim was to fight for the independence of the Philippines from Spain. The moral aim was to teach Filipinos right conduct, cleanliness, to fight against blind obedience to religion and to overcome weakness of character. The civic aim was to help one’s self and to defend the poor and the oppressed.”
Dito nagulantang ako at napaisip sapagkat ang tinuran ng Katipunang mga pagbabago at tahaking nais gawin ni Nicanor “Nick” Perlas bilang Presidente. Isang pagbabago na hindi lamang siya ang lilikha kundi tayo.
Ang adhikain ng naudlot na Katipunan at pinatigil ng mga Ilustradong rebolusyunaryo na tulad ni Aguinaldo ay isang [pagbabagong pangkabuuan na tumitingin hindi lamang sa kung sino ang humahawak ng kapangyarihan kundi gayundin sa pagtatayo ng isang bansa na nakabase hindi lamang sa pinuno kundi sa matibay na moralidad, kultura at paniniwala.
Sinasabi nga na ang pagbabago ay hindi lamang pagbabagong pampulitika kundi maging pagbabago sa ating kultura at sa ating ekonomiya. Pagbabagong pangkultura upang muling kilalanin ang ating mga sarili at isabuhay ang pagka Filipino bilang isang dakilang lahi o Maharlika.
Ipagpatuloy natin ang pagtingin sa aking natisod na kaalaman…
The structure and organization of the Katipunan was divided into three bodies. The Kataastaasang Sanggunian was the highest body of the society, while the Sangguniang Bayan and the Sangguniang Balangay represented the provinces and towns respectively…
Sinasabing walang pinag-aralan si Bonifacio at walang karapatang mamuno. Ito ang pinagsimulan ng gulo sa Tejeros na kung saan ay nanalo si Emilio Aguinaldo bilang Pangulo at sa pamamagitan niya ay tinapos ang Katipunan at itinayo ang isang Republika. Makikita sa taas na sa simula pa lamang ay may istruktura na ang Katipunan na nais ilatag sa bansa at ito ay bago pa man dumating si Aguinaldo.
Based on the writings of Andres Bonifacio and Emilio Jacinto, it is clear that they had a concept of one nation that they call Tagalog, which in their context referred to all those born in the Philippines from whatever ethnic group.
Isang bansang nagkakaisa at may pagkakapantay-pantay. Iyan ang layunin ng Katipunan. Isang layunin na hindi nakamtam dahil sa pagkainggit at hindi pagkaunawa ng tunay na pagbabago. Isang layunin na hindi nakamit dahil nabulag at natakot sa realidad ang mga katulad ni Aguinaldo. Natakot na banggain ang nakikitang katotohanan at palitan ito ng bagong katotohanan.
Ang pagbabagong nais ng Katipunan ay pagbabagong kasama ang loob ng bawat tao… kasama ang ispiritwal na lalim ng bawat isa sa atin. Ang ispiritwal na kung saan tayo bilang isang dakilang lahi ay nagkakaisa.
Mahigit na isang daang taon na ang nakakaraan ipinagkait ito sa Katipunan. Ipinagkait ito sa mga katulad nina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Deodato Arellano, Valentin Diaz at mga tunay na Katipunero.
Ito ang ipinaglalaban ni Nicanor “Nick” Perlas at ito ang ipinaglalaban din namin bilang mga sumusuporta sa kanya.
Readers Speak Up