Isang Bukas na Liham Para sa Mga Filipino

32 taong gulang… yan ang edad ko ngayon. Marami na akong nasaksihan at marami na ring pinagdaanan. Ilang beses na rin akong bumagsak at bumangon. Ilang beses na rin akong nawalan ng pag-asa at sumuko pero muling lumaban at nakakita ng pag-asa. Hindi ko sinasabing ako ang pinakamagaling o ako ang pinakamay alam sa ating bansa pero ang hiling ko lamang ay sana basahin ninyo ang liham na ito at sana ay mapakinggan ninyo. Ako po ay isang Pilipino bagamat ang aking itsura ay hindi at ang aking dugo ay 10% lamang ang tunay na Pilipino. Mahalaga po ang nais kong ibahagi pero depende pa rin iyan sa iyo. Ito po ang aking Bukas na Liham Para sa Mga Filipino alang-alang sa Inang Bayan.

Hindi sa akin hiniling ng kahit sinuman na sulatin ito pero minarapat kong gawin ito bago pa mahuli ang lahat. Naniniwala kasi ako na ang buhay ay sadyang hindi natin hawak kaya dapat sa bawat araw ay tingnan natin ito bilang huling araw ng ating buhay.

May tatlo akong anak. Hiwalay ako sa aking asawa at magkakahiwalay din ang aking mga anak sa isa’t-isa. Simula pagkabata ay maraming sakripisyo at katotohanan ang aking pinagdaanan at nalaman. Dahil isa akong ulila ay sa aking paglaki parang ang Pilipinas ang aking tinuring na magulang… nangarap at nag adhika para makatulong sa ating bayan.

Sa taong 2010 ay sinabi ko sa aking sarili ito na siguro ang huli kong pagbuhos ng panahon at pag-asa para mangarap para sa ating bayan. Sino nga ba naman ako? Maraming utang… isang simpleng mamamayan… ni hindi nga ako CPA Board Passer, pero naisip ko ilan ba ang katulad ko at ilan ba ang mga Filipinong mas aba pa kesa sa akin na umaasa na gaganda ang Pilipinas at may mga pagbabagong magaganap.

Sa dalawang nagdaang eleksyon sumama ako kay Raul Roco, nangarap at nanindigan upang hindi ipanakaw ang bukas subalit nanakaw pa rin ang eleksyon at nanakaw ang tila pag-asang sumisilay sa ating bansa.

Ngayong taong ito tila wala na akong nais suportahan dahil pare-pareho naman sila. Nang magpahiwatig si Among Ed ng kanyang pagnanais baguhin ang sistema ng ating bansa ay nabuhayan ako ng loob pero tila may kulang pa rin hanggang sa isang araw nakilala ko ang isang tao na nagbigay sa akin ng panibagong pagasa at lakas ng loob upang mangarap at maniwalang aangat muli ang ating bansa.

Simple, walang yabang, makabayan, matapat at mapagmalasakit iyan ang nakita ko sa kanya. Hindi sya gahaman at lalong hindi corrupt. Sa loob ng napakatagal na panahon ay naglingkod sya sa likod ng kasimplehan at hindi naghangad na bawat kilos ay maipagmalaki sa lahat at sa media. Pero dahil tulad ko ay tila naramdaman niya na wala na yatang patutunguhan ang ating bansa ay nagdesisyon siya sa kabila ng mga katotohanan… nagdesisyon siyang ialay ang kanyang sarili para sa bayan… para paglingkuran tayong lahat bilang Pangulo sa 2010.

Hindi ko po kamag-anak at lalong hindi ko rin siya kilala noon. Ang unang tanong kung nga ng malaman ko na tatakbo siya para sa pagka-Pangulo ay, “Sino si Nicanor Perlas para maging Pangulo?“. Pero sa halip po na magtanong nang paulit-ulit na ganoon ay kinilala ko siya at inalam kung bakit at ano ang nagtulak sa kanya. At doon nalaman ko ang dahilan at nalaman ko na karapat-dapat siyang tumakbo at karapat-dapat natin siyang suportahan.

Nicanor Perlas- The Practical Visionary
http://www.youtube.com/watch?v=G7YrvZ9UClc

Para sa akin hindi ko siya sinuportahan para sa pansariling dahilan kundi para sa akinabukasan ng aking mga anak at ng mga anak nila at ng mag susunod pa. Tumindig ako para kay Nick Perlas para sa susunod na henerasyon at sa kinabukasan ng ating bansa.

Marami na ang nangako… marami nang panahon na pare-pareho tayong umasa pero puro panloloko at panggagago lamang ang ginawa nila sa atin. Winasak ang ating kalikasan… minina ang napakaraming lugar upang magkapera… nagnakaw sa kaban ng bayan… naglibot kung saan-saan… nandaya… binayaran ang iba at kung anu-ano pa.

Papayag ka ba na magpatuloy ito? Papayag ka ba na ito na lang ang kahantungan ng ating bansa? Ganito na lang ba tayo?

Kaibigan, huwag naman sana… inaanyayahan kita upang kilalanin si Nicanor “Nicky” Perlas. Sino nga ba ang taong ito? At bakit tulad ko ay may mga Muslin, Krisyiyano, Tsuper, Security Guard, Katulong, Magsasaka, Matanda, Kabataan, Artist at iba pa na tumitindig din kasama niya.

Narito ang PLATAPORMA NI NICK PERLAS at ng PARTIDO NG MARANGAL NA SAMABAYANAN (PANGMASA)… mahaba pero puno ng laman… mga laman na siyang kinakailangan ng ating bansa at ng ating bayan.

Bilang isang tunay na Pilipino ay naki akong KaPERLAS sapagakta tayong lahat ay perlas ng bayang ito at karapatan natin na pamunuan ng isang karapat-dapat na lider.

Maraming Salamat Po sa inyong panahon!

Nagmamahal,

David D’Angelo
isang simpleng Pinoy

32 taong gulang… yan ang edad ko ngayon. Marami na akong nasaksihan at marami na ring pinagdaanan. Ilang beses na rin akong bumagsak at bumangon. Ilang beses na rin akong nawalan ng pag-asa at sumuko pero muling lumaban at nakakita ng pag-asa. Hindi ko sinasabing ako ang pinakamagaling o ako ang pinakamay alam sa ating bansa pero ang hiling ko lamang ay sana basahin ninyo ang liham na ito at sana ay mapakinggan ninyo. Ako po ay isang Pilipino bagamat ang aking itsura ay hindi at ang aking dugo ay 10% lamang ang tunay na Pilipino. Mahalaga po ang nais kong ibahagi pero depende pa rin iyan sa iyo. Ito po ang aking Bukas na Liham Para sa Mga Filipino alang-alang sa Inang Bayan.

Hindi sa akin hiniling ng kahit sinuman na sulatin ito pero minarapat kong gawin ito bago pa mahuli ang lahat. Naniniwala kasi ako na ang buhay ay sadyang hindi natin hawak kaya dapat sa bawat araw ay tingnan natin ito bilang huling araw ng ating buhay.

May tatlo akong anak. Hiwalay ako sa aking asawa at magkakahiwalay din ang aking mga anak sa isa’t-isa. Simula pagkabata ay maraming sakripisyo at katotohanan ang aking pinagdaanan at nalaman. Dahil isa akong ulila ay sa aking paglaki parang ang Pilipinas ang aking tinuring na magulang… nangarap at nag adhika para makatulong sa ating bayan.

Advertisements
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: