Home > 2010 philippine presidential election, mar roxas, noynoy aquino, philippine advertising, political ads, presidentiables > help ensure a win – go out and vote for aquino and roxas

help ensure a win – go out and vote for aquino and roxas

siguraduhing ipanalo sina aquino at roxas  – bumoto sa may 10.

  1. ara
    May 2, 2010 at 10:30 am

    Si Mr. Palengke, “MAR-TE!?!”

    Friday, April 30, 2010 by rhowphen
    Sen. Mar Roxas, “MAR-TE!?!”

    Marami ang nagtanong sa akin bakit ‘di kasama ni Sen. Mar Roxas ang kanyang maybahay na si Korina Sanchez nang maging guest ko siya sa programa ko sa QTV 11, ang Tonight With Arnold Clavio.

    Nauna ko nang nakaharap sina Nicolas Perlas (kasama ang kanyang nag-iisang anak), si Jamby Madrigal (kasama ang French husband na si Erik Valade), si JC Delos Reyes (kasama ang kanyang asawa na si Dunia), si Ba­yani Fernando (kasama si Mayor Marides), si Binay (kasama si Dra. Elenita) si Atty. Jun Chipeco (kasama ang maybahay) at si Sen. Loren Legarda (na sinamahan ng kanyang panganay na anak.
    Simple lang ang sagot ko kung bakit nagsosolo si Mar, ayaw niya eh! Pero nandoon si Ate Ko­ring sa loob ng studio at nanonood.
    Bago pa maiba ang kuwento, nagulat din ako bakit bigla siyang uma­yaw na makasama si Ate Koring sa interview ko. Gayong alam naman niya na ganoon ang format ng show ko.
    Ilan sa ibinigay niyang kondisyon para pumayag na makasama si Korina ay
    1. Silang dalawa lang ang guest sa episode na yun, at

    2. Ipalabas pagka­tapos ng eleksyon.

    Personal akong ‘di pumayag sa ikalawang kondisyon, dahil magmumukha siyang tanga dahil plataporma niya ay bahagi ng usapan.
    Lalong ‘di ako puma­yag sa kanyang unang kon­disyon dahil tig-dalawa talaga ang format ng show at alam niya ‘yun.
    Pero nagpilit siya at sinabing first time silang haharap na dalawa sa telebisyon at dito pa sa GMA 7 na ‘di home studio ni Ate Koring.
    At. ayaw niyang kasabay si Atty. Perfecto Yasay sa episode na ‘yun dahil ayon sa Senador ay CHEAP.

    Bakit ko ito ikinukuwento, dahil ang ipinarating niyang balita kay Mareng Winnie Monsod ay ‘di totoo.

    Binigyan ko raw ng 30 minuto si Loren Legarda at sila ay 15-minuto.
    Ang totoo? Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nag-inarte. Kaila­ngan kong proteksyunan ang aking network at ang a­king show. Tinitiyak ko sa publiko na kami ay patas sa lahat ng kandidato.
    ‘Di ko rin papayagan na bastusin niya ang isa ko pang panauhin na si Yasay na nagpaunlak na mauna siya sa taping sched dahil nagmamadali nga.
    Pinapasalamatan ko rin si Yasay at pinayagan niyang makauwi muna ng Pilipinas ang kanyang asawa para makadalo sa taping. Nang gabing iyon muling lumipad si Mrs. Yasay pabalik ng New Jersey, kung saan nag-aaral ang kanilang anak.
    Sana maklaro na ang isyung ito. Walang puwe­deng magdikta sa pagi­ging independent ng a­ming propesyon sa gitna na malimit na sisihin ang media sa pagiging unfair sa pagsubaybay sa mga kandidato.
    Aaminin ko ring nabawasan ang sama ng loob ko sa panggugulong nilikha ng pagbabago ng isip niya.

    Nagpapasalamat ako kay Ate Koring sa pasensyang nakita ko habang naghihintay at sumusuporta sa kanyang Mister.
    Walang intensyon ang espasyong ito kundi magbigay linaw. Kung may masasaktan, sana ay maging instrumento ito sa paggising sa naliligaw ng landas.
    Patuloy na maging mapanuri dahil sa darating na eleksyon 2010, may magagawa tayo!
    Lord kayo na po ang bahala.

    via – Abante Online

    BANGON VP BET JUN YASAY ON MAR ROXAS’ REFUSAL TO BE PITTED WITH HIM

    “I could not believe that Mar Roxas, despite his being a scion of a wealthy and ruling class family, would have such a haughty and condescending view about a his VP rival who comes from a very humble beginning. Perhaps this superiority complex is merely his way of concealing his true character, which is much different from the Mr. Palenke he has been trying to project to the masses. Thinking that he should be treated differently because of his privileged class status, is something I could easily forgive him for even if he feels that to be pitted with me would diminish his image. But why fool the people in making them believe that he was not with his wife Korina whom he misrepresented was patiently waiting for him at home? What a cheap way to lose the respect of others! Hindi ko tiyak kung mapapatawad siya ng masang Pilipino!”

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: