Home > Uncategorized > 4th presidential debate transcript here

4th presidential debate transcript here

READ: Complete transcript of final presidential debate

http://newsinfo.inquirer.net/781485/read-complete-transcript-of-final-presidential-debate

we are printing here the full transcript and video of the exchange between Mar Roxas and Rody Duterte which has gotten a lot of attention from Duterte supporters.

Mayor Rodrigo Duterte: Well, I was the one alluded to by the Secretary. Nilakad na ho namin yan – yang sinasabi niya. Eh, wala hanggang ngayon. I applied for that program about two years ago. Patay na ho yung iniisip ko kung gamutin ko. And until now, there is no – it’s ain’t true. Wala sa Davao. It’s not true. Pina-follow up na.

Karen Davila: Secretary Mar, your name was mentioned.

Sec. Mar Roxas: Siguro kathang-isip ito ni Mayor Duterte dahil totoo na may mga natutulungan ang PhilHealth sa Davao City. Bukas, alas-otso ng umaga, ibibigay ko sa kanya ang lista ng mga Davaoeño na natulungan ng PhilHealth at ng gobyerno sa Davao City.

Karen Davila: Mayor?

Mayor Rodrigo Duterte: I do not believe you. You have made so many promises in your term in the government on – lahat halos wala kayong nabibigay sa tao. Puro daldal, puro announcement, puro lahat. No implementation. And if there is one, it’s all corruption.

Karen Davila: Go ahead, Secretary. Sec. Mar Roxas: Mayor Duterte, I dare you. Kung may mapakita akong tao, pangalan, ospital na talagang natulungan sa Davao City, ikaw ba’y aatras? Kasi ang problema dito, kung hindi pumasok at hindi mo pinaniwalaan ang aktuwal na facts na datos ay babaliwalain mo. Ito ang mga katotohanan. So, doon tayo sa katotohanan. Huwag nating lokohin ang ating mga kababayan na walang nangyayari. Ang katotohanan ang pinakabasehan ng kahit anong pamumuno. Katotohanan ang basehan ng ating tiwala sa isa’t isa.

Karen Davila: Go ahead, Mayor.

Mayor Rodrigo Duterte: Well, this is a nationwide problem. Pati Davao nilinlang na nila. The people of the Philippines are listening. Is this guy telling the truth?

[Crowd cheering]

Sec. Mar Roxas: Sandali lang. Ito. Pinalitan na naman. Binago na. No, ito na naman. Ito yung style ni Mayor Duterte kaya huwag natin – sa mga kabataan, huwag nating tularan ito. Ang importante dito, Mayor Duterte may sasabihin. Tapos, kung palagan siya or pakitaan siya ng facts, aatras, magsasabi na naman ng iba. Ito ang hamon ko, ito ang hamon ko simpleng-simple. Sinabi ko ito, sinabi niya “Oo.” May mapapakita ako actual, naka-video ng mga tao na natulungan ng PhilHealth sa Davao City. Libu-libo po yan. Sinabi niya aatras siya.

 

Karen Davila: Go ahead, Mayor.

Sec. Mar Roxas: Tignan natin kung tutuparin niya ang sinabi niya.

[Crowd cheering]

Mayor Rodrigo Duterte: Alam mo, ma’am, nakikinig ang buong Pilipinas sa gobyerno araw-araw. Eh si Secretary Roxas naman hindi nagpapaiwan. Ngayon, kung totoo talaga ang sinasabi mo at naniniwala ang Pilipino sa iyo at dapat ikaw ang maging presidente at bakit sa huli ka sa rating?

[Crowd cheering]

Karen Davila: Naku. Okay, ganito. We have to move on at some point pero because of that – because of that I will have to let Secretary Mar respond. But we need to go on with Senator Grace Poe after. But Secretary please respond.

Sec. Mar Roxas: Simpleng-simple lang po nakikita ng ating mga kababayan ang asal mo, Mayor Duterte, na hindi ka karapat dapat. Kaya sa Mayo a-nuebe, ang mananalo ang matuwid, ang mananalo ang disente, ang mananalo ang karapatdapat si – walang iba kundi si Mar Roxas.

Mayor Rodrigo Duterte: Susmaryosep! Karen Davila: All right. Let’s move on from this. Senator Grace Poe, you’ll have five minutes later. If you want to discuss this on your own, you’ll have the floor. Senator Grace, 30 seconds.

Categories: Uncategorized
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: