Archive

Author Archive

Le Circe

September 1, 2009 Leave a comment

Sa Wikang Pranses, ito ay “Ang Bilog”
Mamahaling restorant, pagkai’y nakakabusog;
Matatagpuan sa siyudad ng Nueba York;
Mga mayayaman at sosyal ito ay dinudumog.

Isang araw ang Pangulo ay dumayo;
Sa Estados Unidos, bayan ng mga Amerikano;
Kasama ang piling opisyal ng ating gubyerno;
Maging ang ilan sa pamilya, pati ang Unang Ginoo.

Isang milyong piso ang nagastos sa hain;
Mga pagkaing masasarap, pati mga inumin;
Libre ng isang Kongesman para daw gunitain;
Anibersaryo ng Unang mag-asawa, pag-ibig na taimtim.

Subali’t bakit naging isyu ang pagsasalu-salo?
Sinasabing ito’y maluho at napakagarbo;
Para sa mga lider, pulitiko’t pinuno;
Ng bayang naghihirap at nagsasakripisyo.

May nagsasabi na maliit lamang ang ginasta;
Dahil ito ay angkop sa Pangulong bumibisita;
Upang makausap at makita si Pangulong Obama
Na matagal rin nyang hinahabol sa bansang Amerika.

Wala namang masama kung kumain ng magarbo;
Kung ang salapi ay galing sa sariling kayod;
Ibang usapin na kung ang opisyal ng gobyerno;
Pinanggagastos sa luho galing sa buwis ng tao.

Huwag sanang masamain itong aking tulain;
Nilalahad ko lang tunay kong damdamin;
Hangga’t ang karamiha’y gutom at walang maihain;
Kahit sa payak, masustansya at disenteng pagkain.

Nawa’y huwag na sana tayong muling pauuto;
Na bilugin muli ang utak nating lito;
Sa kasinungalingan ng ilan sa mga namumuno;
Magising na nawa tayo at magpakatotoo.

Darna: A Poem About True Heroism

August 30, 2009 Leave a comment

DARNA
Prof. Dan Rivero
This poem is written for tomorrow’s occasion of National Heroes Day (Aug. 31)

A fictitious heroine, Darna is her name;
Prowess, strength and grace made her to fame;
From comics to film and now in the tube;
Many follow her, even on YouTube.

Her villains now are ferocious as ever;
Of a snake, vampire or whatever monster.
A girl swallows a stone and shout’s aloud
The heroine’s name, Behold! Has come about.

But there are real evils and villains in this nation;
And not only those which are told in fiction;
Greed, corruption, indifference and apathy
From the government down to the citizenry.

Are heroes and heroines only tales to tell;
In this world of life that seem going to hell.
Who will rescue us from this slumber and fall;
To raise us up and make us proud and tall.

Why do we still look for a hero or heroine who flies;
Or found in books and on monuments of people died.
Heroism is in each of us, if only we open our eyes.
And work hard together to change our life.

A nation without heroes is truly such a pity;
But still searching for one is a shame of a country;
I hope and pray that all will stand and move;
To change ourselves and the country for the good.

Demokrasya: Isang tula handog para kina Ninoy at Cory Aquino

August 18, 2009 16 comments

Demokrasya
Prof. Dan Rivero

Ang bayang naging tulog, bibig naging kimi;
Ay namula’t, nagising at nagsalitang muli;
Sa paglisan ng isang taong minsa’y tumindig;
Laban sa rehimeng sa baya’y nagpatahimik;
Mga karapatang sagrado matagal na siniil.

Kanyang asawa pinatay na walang laban;
Bitbit lamang ang hangad para sa kalayaan;
Para sa sambayanang uhaw sa kapayapaan;
Tungo sa tunay na kaunlaran nitong ating bayan;
Sa ilalim ng katotohanan, pag-ibig at katarungan.

Subali’t hindi naduwag itong abang biyuda;
Sa halip ay tumayo at humarap sa masa;
Baya’y nagkaisa’t tumalima sa panawagan nya
Na labanan ang pagkamakasarili at pagpapasasa;
Ng isang diktador, pamilya nya’t oligarkiya.

Kalayaa’y natamo dalawang dekada ng lumipas;
Nang ang diktador at alipores niya’y umalpas;
Taumbaya’y nagsimula sa isang panibagong bukas
Sa gabay ng lider na namuno sa pag-aaklas;
Ang demokrasya’y nakamtan muli sa wakas.

Nguni’t sa paglipas ng taon, tila may nagbago;
Ang kalayaan at demokrasya na ating natamo—
Ay nabale-wala at ngayo’y inaabuso;
Ng mismong mamamayan lalo na sa liderato;
Masasayang na lang ba ang ipinaglaban dito?

Para bagang isang bulkan ang bayan kong sinilangan;
Madalas ang hidwaan, paminsa’y nagpuputukan;
Mga lider ng pamahalaan gayun din ang mamamayan;
Kailan ba matatapos yari itong kaguluhan;
At magigising ang bayan sa kawalang paki-alam?

Ganito ba ang mukha ng demokrasya sa ‘ting bansa?
Na ang mga lider ay walang malasaki’t sa kapwa?
Na sa tuwing halalan lang sila naalala?
Kaawa-awa naman ang mga maralita’t dukha;
Sa yaman at posisyon ang ilan ay nagpapasasa.

Tayo ng kumilos, baguhin ang pananaw;
Ating tahakin ang landas, gabay ng bagong araw;
May pag-asa pa ang bayan, liwanag ay tanaw;
Itaguyod, ipaglaban kalayaang ating sigaw;
Demokrasya ng bayan huwag muling pumanaw.

Categories: cory aquino Tags: ,
%d bloggers like this: